exposing the dark side of adoption
Register Log in

Babies for sale uncovered by Imbestigador

public

Babies for sale uncovered by Imbestigador
01/08/2009 | 05:02 PM
Email this | Email the Editor | Print | ShareThis
Episode on January 10, 2009
Saturday, 9:30 p.m.

With the help of two agents, "Agnes" is selling her 7 month old baby "Fatima" for P45,000. Imbestigador even documented on tape the transaction of the sale of an unborn child for P20,000. According to an Imbestigador informant, this illegal act is said to be common in Metro Manila. A syndicate facilitates the illegal trafficking of children aged one year old and below.

In the Philippines, 4 infants are approximately born every second. According to DSWD, there are more or less 200 babies victimized by illegal adoption and human trafficking.

After painstakingly documenting the illegal trade of babies, Imbestigador called the attention of Manila City Hall officials. Catch the first explosive report of Mike Enriquez for this year on Imbestigador, Saturday, January 10, 2009, at 9:45 am after Kapuso mo, Jessica Soho on GMA7.

Sa unang pasabog ngayong taon ng nag-iisang Sumbungan ng Bayan, iimbestigahan ni Mike Enriquez ang nakakakilabot na bentahan ng sanggol.

Sa halagang apatnapu't limang libong piso, ibinebenta ni "Agnes" ang pitong buwang gulang na anak na si "Fatima." Katuwang niya sa pagkalakal ng bata ang dalawang ahente na sina "Cora" at "Baby." Nakunan din ng video ng Imbestigador ang pasikretong paglako ng ng mga ahente ng sanggol na nasa sinapupunan pa ng isang babae. Ang presyong ipinapatong nila sa ipapanganak na bata: dalawampung libong piso!

Sa natanggap na impormasyon ng Imbestigador, talamak na raw ang ganitong bentahan ng sanggol sa kalakhang Maynila. May sindikato na raw na nagbebenta ng mga sanggol mula tatlong buwan hanggang isang taong gulang. Animo'y all-year-round daw ang sale at maaari pa raw mamili ang sinumang gustong mag-ampon.

Apat na sanggol ang tinatayang isinisilang bawat segundo sa Pilipinas. Ayon sa DSWD humigit kumulang dalawang daang bata kada taon ang nabibiktima ng iligal na pagpapaampon at pagkalakal ng mismong mga magulang.

Abangan ang makapigil-hiningang mga eksena ng paghuli sa akto sa sindikatong nagbebenta ng mga bata! Huwag palalampasin ang unang sabak ng pag-aksyon ng Imbestigador na si Mike Enriquez sa taong ito! Imbestigador, ngayong Sabado na, January 10, 20009, 9:45 ng gabi sa GMA7.
http://www.gmanews.tv/story/143231/Babies-for-sale-uncovered-by-Imbestigador

2009 Jan 10